754x353
Students Corner
image

Ang Pagsaludo

Guro, isang salitang may apat na titik lamang ngunit malaki ang halaga sa buong mundo. Nagtuturo, nag aalaga at nag iimpluwensya, yan ang trabaho ng mga guro. Handa silang itama ang mga mali ng kanilang mga mag aaral. At handang tumuro ng mga bagay na hindi pa nila alam.

Ang tirik ng electric fan, mga bulong ng mga estudyante at malakas ngunit malumanay na boses na guro ang siyang maririnig mula sasilid-aralan. Lahat ng mga estudyante ay nakikinig sa mga guro habang sila’y nagtatalakay. Paminsanminsan ay nagagalit sila sa mga pasaway nilang mag-aaral ngunit abot langit ang saya ng kanilang nadarama pag mga bata’y uuwi ng maraming kaalamang dala.

Ngunit ang pagiging isang guro ay hindi madali. Gumigising ng maaga at gabi na natutulog. Nagmamarka ng mga papel at naglulutas ng mga grado. Buwis buhay silang nag tuturo kahit masama ang kanilang pakiramdamdam. Ang iba’y malalayo sa kanilang pamilya at minsan ay wala ng oras para sakanilang anak. Ngunit kahit mabigat man sa kanilang pakiramdam at mahirap para sa kanila, patuloy parin silang nagtuturo. Marami nasilang isinakripisyo ngunit patuloy pa ring kumakayod upang mapabuti ang pag-aaral at ang kinabukasan ng mga bata.

Sila ang tumatayong mga magulang natin sa paaralan. Sila ang ating ikalawang magulang. Sinisiguradong matututo tayo ng mabuti upang magamit natin sa ating paglaki. Hindi tayo makakarating kung saan man tayo ngayon kung wala sila. Sila ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon, kaalaman at pagmamahal. Ang pagiging isang guro ay isang trabaho lamang katulad ng iba ngunit napakahalaga ng isang guro sa mga mag-aaral niya.

By: Frogela Kaye Sinoy

Photo Source: Miss Angeline Marcelino

About the author / 

Klarisse

The random person who passes by

Related post

Post tabs

Video

Fusce nisl urna, rutrum eget condimentum nec, tincidunt sit amet massa. Pellentesque lacinia volutpat lacus. Integer vulputate orci ut felis pulvinar congue. Lorem ipsum dolor

Latest Comments

Photography

    Get in touch

    We consistently update our school blog, and we are glad to notify and inform you of what's newest happenings in St. John - Roxas.

    Stay up-to date with the latest news and other stuffs, Sign Up today!